Ranting away...

Thursday, January 31, 2008
pagod

Aligaga ako ngayon.

Di ko alam kung baket. Di ko magawang ipabatid ang mga nais kong ipahiwatig. Sabog ang utak ko ngayon, pagala-gala ang isipan. Kainis naman o... Kung kelan pa may mahalagang paper akong kelangang isumite sa Lunes.

May naka-usap akong Taiwanese kaninang umaga habang papunta akong Econ. Nagtatanong siya kung paano pumunta ng Fine Arts. Sabi ko malayo, mas mainam kung mag-dyip na lang siya. Kaya ayun, naglakad kami sa may Sunken Garden papunta sa pinakamalapit na sakayan ng dyip. Nag-uusap... Mahilig daw siyang mag-travel. Gustung-gusto niya ang dagat. Dito daw, malinis at pwede kang mag-beach sa buong taon. Sa kanila, polluted... at -20 degrees ang temperatura dun ngayon.

Mabait naman siya. Maboka. Binigyan pa nga niya ako ng calling card. Dapat pala sinunggaban ko na ang pagkakataon. Sayang, 'di ko man lang siya natanong tungkol kay Kristo.
Pero ewan ko ba... sa tinagal-tagal ng pag-uusap namin, para akong engot. Di ko siya maka-usap ng maayos. Hindi, ako pala ang hindi maka-usap ng maayos ng mga panahong 'yon.

Sa metaphysics class naman namin, ganun din. Tyempong natanong ba naman ako ni Ma'am. Ang tanga ng sagot ko. Parang 'di pinag-isipan. Philo class pa man din 'yon. Di kasi talaga nag-iisip. Nananaginip lang ng gising.

Malamig ang hangin. Mataas ang sikat ang ng araw.
Lagi na lang akong pagod. Gusto ko lang matulog ng matulog. At managinip na lang. Ewan ko ba. Nawawala na naman ako sa sarili.

Kapag nakito niyo "ako," paki-usap... pakisabi naman sa kanya:
Hoy, ayus-ayusin mo buhay mo
.

Labels:

posted by remrick @ 2:53 PM  
1 Comments:
  • At 3:44 PM, Blogger PauT said…

    Hehehe Hindi na kUya Rem! Thank You Poh.
    (^_^)

     
Post a Comment
<< Home
 

© 2006 Ranting away... | Blogger Templates by Gecko & Fly.
No part of the content or the blog may be reproduced without permission.
Learn how to Make Money Online at GeckoandFly

 


 

 



 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Web This Blog
About Me


Name: remrick
Home: Surigao City, Philippines
About Me: Let me tell you what I'm not: I am not predisposed to bare my guts and soul here in the internet for the whole world to see just for the sake of it. It's just that I like writing, in the free and unstructured way that blogging provides for. I simply want to express what I think and feel. Is that too much to ask? Which leads me to my next point... I am not invulnerable, in spite of all my attempts to put on a face of cool composure, and desperately wanting I was good enough to fool myself. In short, I am not really what I seem. So, would you still take my ramblings seriously?
See my complete profile

Previous Posts
Archives
Old blogs
Friends
Interesting Sites
Groups
Affiliates

Powered by Blogger
make money online blogger templates